Monday, December 8, 2008

Geminids Meteor Shower and Tips!

(repost from Kiel. :D)


Bulalakaw? Oo! Marami!!!
Punta na sa PAGASA Astronomical Observatory, UP Diliman sa ika-13 ng Disyembre, 2008 sa ganap na ika-9 ng gabi at makisaya sa isang overnight public viewing ng Geminids meteor shower. Hindi kailangan ng binoculars o telescope. Magdala lang ng mata. Kahit isang mata lang, ok na!
Lahat ay inaanyayahan.

Sa mga hindi makakapunta, maaari nyo rin itong i-observe sa inyong lugar. (Pero mas maganda kung sa observatory. Promise! Hehe.) Tumingin lamang sa langit buong gabi. Pinakamagandang oras na mag-observe sa ika-2 ng umaga ng Disyembre 14. Ang Gemini (ang constellation na pinagmumulan ng mga bulalakaw relative sa observer sa Earth) ay matatagpuan directly above the moon. Masyadong maliwanag pag tumingin ka sa dakong iyon. Full moon kasi. Kaya naman, mas maganda kung titingin ka sa medyo malayo sa moon para makakita ka ng maraming maliliwanag na bulalakaw. Enjoy! :D