Thursday, March 19, 2009

Another best _______ so far

I have experienced the best CS prof so far! I am very proud to be sir Mario’s student. Super cool, witty at galing niya magturo. Lahat nadadaan niya sa kwento. Eto some of his quotable quotes and stories sa last day of class namin kahapon:

• “Money can’t buy happiness, but it helps!”

• One way of proving time travel: At the time that you write a diary that goes ‘Pag naimbento ko ang time machine, babalik ako sa moment na sinusulat ko ito’, your future self comes walking into your door. (*question* E pano pag nagtatago, di lang nagpakita sayo..)

• Kung gagawa daw siya ng anime, tungkol ito sa ‘janitorial competition’. May dalawang characters na naglilinis ng classrooms nila sa school. Makikita ng isa mas malinis ang room ng isa tapos maiinggit ito. Magkakaroon ng labanan sa paglilinis. Tapos may ‘master expert’ na mag-iinspection ng nilinis nilang rooms. Sasabihin ng master na mas malinis daw yung sa bida kasi may isang patak ng pawis daw na naiwan sa room ng isa. May isa pa, tungkol naman sa tumbang preso. May mga techniques sa paghagis ng tsinelas. (HAHAHA!) tapos labanan sa tournament.

• Nagpapapanood din siya ng anime sa class. Pinanood namin kanina “Voices of a Distant Star.” Ang moral of the story – kahit gaano kaganda ang technology natin, mayroon pa ring propagation delay. Ang wala lang propagation delay ay ang network ng mga puso. Haha. Ang kulet talaga!

• Nakasulat sa shirt niya – ‘A mushroom a day keeps the koopas away’ na may picture ni Mario (sa Mario Bros) at mushroom.



----o+o----


Voices of a Distant Star notes


• Year 2047 – May mga tao nang nakatira sa Mars, at parang pagpunta lang sa ibang bansa ang pagbisita sa mga space stations sa ibang planeta (like Jupiter)

• Kayang magpadala ng SMS mula Jupiter hanggang Earth (with a propagation delay of one year).

• May long-distance relationship sa story, LONG-DISTANCE talaga, million light years! Na-apply dito ang twin paradox theorem sa physics (15 years old yung babae nung nasa Sirius-Beta system ang space station nila habang 24 years old na yung lalaki na naiwan sa Earth) na pina-explain ko pa kay kuya Atchong na na-gets ko na din sa wakas!

• Ang greatest lightning bolt sa solar system ay matatagpuan sa Jupiter. May lightning na nagaganap between the surface of one of its moons and the planet’s surface

• Narating ng space station na galing sa Earth ang Pluto after a year (sa current space missions, it wil take 9.5 years for one space shuttle from Earth to reach Pluto).

• Na-discover nila na ang Sirius-Beta system ay may planeta sa loob nito, na ang pangalan ay ‘Agartha’



Pinapanood din niya samin ang ‘The Kids with the Glasses’ at ‘Five Centimeters Per Second’ na (loosely?) may kinalaman din sa networking.

Before, I was always curious kung bakit gusto ng mga tao na maging prof si sir Mario. Alam ko na ngayon kung bakit. :D