March 16, 2009
Nakakawala talaga ng stress kapag kasama mo ang mga kaibigan. Nakakatuwa dahil hindi dahil sa acads ang pagkikita-kita naming magkakapatid (ako, si Kring at Jako) kasama ang aming nanay na si Sherry ngayong araw na ito. Di tulad ng karaniwang senaryong nagpo-program ng machine problems, sabay-sabay naman kami ngayong nagsimba sa Holy Sacrifice church. Bihira lang talaga ako magsimba. Nakakatuwa lang na sila ang kasama ko sa unang simba ko ngayong taon. Napaka-unlikely lang. Buti di kami nasunog ni Jako. :D Di ko na nga masyadong maalala yung flow ng misa. Buti na lang nagsasabi sila ng ‘please be sitted’ at ‘please kneel’. Hehe. Don’t get me wrong, I’m a Roman Catholic. Matagal lang talaga yung huling simba ko kaya medyo kinailangan ng refreshing of memory.
Ang saya lang makasama ang mga kapatid ko nang di inaalala ang MPs at mga databases and software projects (awts) na kailangang tapusin. Nanood nga din kami ng Special A. :D Nakaka-adik!
After nun, astropeeps (Mards, Ipe, Bea, Mafi, Atheio, Kiel) naman ang kasama ko sa gabi. Break muna sa pagtingala sa kalangitan, dahil ang ginawa namin nun ay manood ng violin recital sa College of Music. Ang galing nila tumugtog! Parang nabuhay sa harapan ko ang anime character ng La Corda D’ Oro na si Kahoko. Naging bitter lang kami lahat dun (dahil lahat kami ay *ehem* musically-inclined or nagpapakaganun) kaya na-commit namin ang 7 deadly sins. :D Siguro ganun na din kagaling ang high school classmate ko na nag-aaral din ngayon sa Music. Looking forward din sa kaniyang recital. Eleven years nang tumutugtog ng violin yung nag-recital kaya naman pala flawless ang performance. T.T Naiinspire na naman ako. Kelangan talaga pag gusto mong matutong tumugtog ng isang instrumento, at di lang tumugtog, maging MAHUSAY tumugtog ng isang instrumento, kailangang pagtuunan ito ng panahon saka constant ang pag-practice. Hay. Sabi nga namin, ibubuhos na lamang namin sa mga magiging anak namin ang frustration na ito. Maganda kasi na habang bata pa ay natututo na silang tumugtog. J
Ang saya lang talaga makapag-unwind with friends. Bukas, sabak ulit sa labanan.
Btw, mards happy birthday!
**ang sarap ng libreng yellow cab! :D~~