Wednesday, September 10, 2008

Lost and Found: Konsensya

Ngayon ko lang napansin na parang may nakalimutan ako. Akala ko andito lang yun eh. Hala. Nasaan na iyon? Saan at kalian nawala ito? Sa dami ng ilusyong dumaan, napaniwala ako na ligtas ko itong nahahawakan. Ang katotohanan pala, ang dating kasing tigas ng bato ay nae-erode na pala hanggang sa magkapira-piraso at maging parang buhangin. Lagot. Isang malaking unos ang tiyak na darating. Madilim ang aking paningin. Wala na akong naririnig. Kailangan kong hanaping muli ang liwanag, bago pa mahuli ang lahat.